Preda Deutsch Website
More content here @ xxnxx, xnxx, filme xxx, xnxx, xxx

Guro sa Olongapo inireklamo dahil sa ‘panghihipo’ sa 11-anyos na estudyante

August 15, 2017 ·  By www.gmanetwork.com

Share this page:
Share

Pansamantalang inilipat ng klase ang isang lalaking guro matapos akusahan ng isang 11-anyos na mag-aaral nang panghihipo sa kanyang ari.

Sa ulat sa 24 Oras nitong Sabado, umiiyak na isinalaysay ng bata ang ginawa umanong kahalayan ng kanyang guro.

Pinapunta umano siya ng 23-anyos na guro sa ilalim ng isa sa mga hagdan ng kanilang paraalan at tinanong tungkol sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

Dito na raw umano hinawakan ng guro ang kanyang ari. Pagkatpos nito ay pinilit umano siya ng guro na kunin ang P100 para raw kanyang pambaon.

Ayon kay Dra. Eva Unay, principal ng Olongapo City National High School, ni-relieve na niya ang naturang guro at inilipat muna sa ibang assignment.

Aniya, tinangka nilang pagharapin ang magkabilang panig ngunit tumanggi umano ang pamilya ng bata.

“Ginusto ko po sana na ipatawag ‘yung teacher para maging fair sa kanya kaya lang nag-beg off muna ‘yung parents na hindi daw sila makikipagkita o makikipag-usap muna,” ani Unay.

Sinabi pa ni Unay na nai-report na nila sa division office ng Department of Education (DepEd) ang naturang kaso.

“In-inform ko siya (guro) that I am going to relieve him from that class, I’ll give him another assignment,” saad pa ni Unay.

Masama naman ang loob ng pamilya ng bata dahil sa mahinang parusa na ipinataw sa guro.

“Nandu’n pa rin ‘yung teacher. Malayang nakakapagturo du’n sa school. May tendency na magkasalubong sila. Nandoon pa rin po yung takot ng bata,” pahayag ng tiyahin ng biktima.

Samantala, itinanggi ng guro na hinipuan niya ang bata.

Aniya, tinanong lamang niya ang bata kung siya ay nagpatuli na nga dahil may ipinakita umano itong isang medical certificate ng pagliban sa klase dahil sa urinary tract infection.

Hinihintay na rin ang rekomendasyon ng DepEd regional office kaugnay sa reklamo. —Jamil Santos/ALG, GMA News

Share this page:
Share

Copyright © 2024 · Preda Foundation, Inc. All Rights Reserved