Don't Puno, Don'T Gordons
Published in the Pinoy Times
Agosto 10, 2001
MARAHIL ay naaalala niyo pa noong gamitin ni G. Dong Puno ang puno bilang simbolo ng kanyang kampanya sa pagkasenafdor. Naalala n'yo pa marahil ang nangyari sa mga puno noon. Naging pangit na Christams tree ang ipinakong campaign billboards at posters. Kawawang Puno, kawawang mga puno. Hindi kumagat ang kanyang paggamit ng simbolo ng puno. Marahil ay nagalit and mga tunay na puno dahil hindi bagay ang paghahambing sa kanila sa taong may apelyidong puno.
Kung mahalaga ang pagiging bagay ng anumang magsasama katulad ng magasawa, magakibaigan, magkapartido, magkarelihiyon, ganoon don sa pamahalaan. Dapat bagay ang namumuno sa kanyang pinamumunuan at higit sa lahat, dapat bagay ang namunumuno sa diwa ng gawaing sa kanya'y ibinigay.
Ang bandila ay sagradong simbolo ng ating bansa. Ang kalikasan ang magandang karagat, at tabing-dagat, ang mga bundok ata palayan, ang sari-saring puno, halaman, ibon, hayop, insekto at isda ay mayamang katipunan ng mga simbolo ng ating mahal na Inang Bayan. Ganoon kahalaga ang turismo, di lamang sas saslaping ipapasok nito sa kaban ng bayan. Mahalaga ang turismo dahil ito ang paraang makikilala ng mga taga-ibang bayan ang kaluluwa ng ating bayan, ang kaluluwa ng mamamayan at ng kalikasan.
Hindi bagay sa turismo anf anumang dumudungis at sumisira sa dangal ng tao o ng kalikasan. Hindi bagay sa turismo anf prostitusyon tulad ng lumalaganap sas Makati, muling bumabalik sa Malate't Ermita, sa mga kalye at mall ng Quezon City at ngayon muling umuusbong sa Angeles, Subic at Olongapo. Napakalungkot tanggapin na sa maraming taga ibang bansa, ang Pilipinas ay ising "magandang" destinasyon ng mga naghahanap ng babae o ng mga bata para sa sex.
Kaya aking tinatanong kung tunay nga bang bagay si G. Richard Gordon bilang kalihim ng turismo. Bagay ba siyang mamuno sa isna gprogrammang magsusulong ng panglabas at higit sa lahat sa pangloob na kagandahan at kadakilaan ng ating kalikasa't mamamayan? Bagay ba siya sa Department of Tourism samantalang meyor ang kanyang asawang si Kate sa Olongapo kung saan muling nagbabalik ang prostitusyon ng mga kababaihan at kabataan?
Ano kaya ang sabihin ng pag-appoint jay Hartmut E. Joost bilnag barangay liaison officer ng Bo. Barretto, Olongao City? Ang appointment ay bilagdaan noong Hulyo 1, ni Mercedes Nafarrete, barangay captain ng Bgy. Baretto, sa buong kaalaman ni Kate Gordon, meyor ng Olongapo. May kasong isinampa laban kay Joost si Fr. Shay Cullen. SI Joost ay pinaghihinalaang sumusoporta at nagbibigay proteksiyon sa isang "pedophile supprto ring." Hindi bagay si Joost sa Olongapo. Hindi bagay ang isang sumusuporta sa pedophilia saan man sa ating bansa. Ngunit hindi ito ang tingin kay Joost ng meyor ng Olongapo. Bagay si joost sa siyudad ng Olongapo! Ano kaya ang sinasabi nito tungkol sa Olongapo at sa meyor nito?
Maraming taga-DOT ang nag-rereklamo sa ugali ni G. Richard Gordon. Para sa akin, ang ugali ay maaring tuwirin. Mas mabigat kaysa sa ugali ay ang orientasiyon at pananaw. Kung para kay Kate ay bagay si Joost sa Olongapo, bagay kaya si Dick sa DOT? Ate Glo, ano'ng tingin n'yo?
Fr. Robert Reyes
![]()